Pagmumuni: Pangalawa

Normal na gabi ito para sa karamihan. Walang humpay sa pagbuhos ang trapiko kahit malalim na ang gabi. Nagkalat ang mga tambay sa kanto. Dinig na dinig ang huni ng di mawaring gamgam mula sa di kalayuan. Buhay na buhay ang mga ilaw sa lungsod na nagmistulang bituin sa lupa. Ang ihip ng hangin, na kahit pa hindi kasing lamig ng hangin sa maliit na bayang kanyang nilisan, ay nagdudulot pa rin ng magandang pakiramdam. May mangilan ngilan ring bituin sa langit. Dahil na rin siguro sa makapal na ulap kaya hindi makapagbigay ng ningning ang mga ito sa lumuluha niyang mga mata. Gayunpaman, normal na araw iyon, at walang may pakialam kung ano man ang kanyang nararamdaman.

“Ngunit ang buwan, hindi ko makita.” Sambit niya sa kanyang sarili na tila ba alam nito ang kasagutan.

Ang buwan. Na tanging kausap niya tuwing siya’y walang matakbuhan. Ang buwan na siyang nagbibigay kasagutan   sa kanyang mga tanong. Wala ito ngayon. Marahil ay napagod na rin siyang makinig sa mga walang kwenta kong hinaing. Mapait niyang naisip.

Muli niyang naramdaman ang pag iisa. Dito sa lungsod kung saan siya’y nag iisa’t walang masandalan. Dito kung saan hinarap niya ang mga pagsubok para sa kanyang ina. Ang kanyang ina na siya na lamang nag iisang motibasyon upang ipagpatuloy niya ang buhay.

Ang kayang ama’y matagal nang pumanaw. Nasa ikaapat na baitang pa lamang siya noon. Ngumiti siya ng mapait at saka naisip na hindi na niya maalala ang mukha ng kanyang ama ng ito’y nabubuhay pa. Palibhasa’y marami siyang ibang dapat isipin maliban dito.

Nang tumuntong siya ng hiskul ay unti unti namang nanghina ang kanyang ina. Nagkaroon ito ng kumplikasyon sa bato at dahil doon ay kailangan niyang tumigil sa pag aaral. Humingi sila ng tulong sa kanilang mga kamag anak, ngunit dumating din ang araw na isinumbat sa kanilang mag ina ang mga naging tulong ng mga ito.

Nagdesisyon siyang lumuwas ng kabilang bayan upang doon magtrabaho. Siya’y naging cashier sa isang department store. Naging maayos naman ang kanilang buhay hanggang sa dumating ang araw na iyon.

Sumikip ang kanyang dibdib at wari bang kinapos siya ng hininga. Hindi niya maipalawag ang dalamhating kanyang pinagdadaanan. Tumulo ang kanyang mga luha, ngunit hindi niya ito pinunasan. Hinayaan niyang bumuhos ang mga butil ng kanyang hinagpis hanggang sa mawala ang anumang emosyon na meron siya.

Dahan dahan siyang humakbang papalapit sa gilid ng gusali. Naramdaman niya na nasa dulo na siya. Isang hakbang pa’y matatapos na ang lahat. Bigkas niya sa kanyang isip.

Tumingala siya’t napangiti ng biglang makita ang buwan. Hindi man ito kumislap kagaya ng mga tala ay nasiyahan siya. Nagpakita ito ngayon. Siguro’y nais niyang magpaalam. Kung gayon ay matiwasay akong lilisan at tutungo sa lugar kung saan makakasama kong muli si inay. Napangiti siya sa kanyang naisip. Napakagandang pagkakataon ito upang ipaubaya sa hangin ang kanyang pasya. Naramdaman niya ang haplos ng hangin sa kanyang likod na tila ba sinasabi sa kanyang wala siyang dapat ikatakot. Marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, ipinatong ang mga kamay kung saan naroroon ang tumitibok niyang puso, at walang pag aalinlangang humakbang patungo sa kawalan.

Tumingala siya’t pinagmasdan ang buwan at saka sinambit ang mga salitang matagal na niyang nais bitiwan.

“Ito na ang katapusan.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s